Nov 4, 2004

somewhen1.5

mamaya makikita ko na ang araw. na naman.
ikaw na munang laman ng isip ko ngayong mga ilang minuto,
nakakatanga ang ginagawa ko.
magagamit ko imagination ko sa yo, para makapahinga naman.
oo, bangag na rin ako. pero may salamin naman.
musta na mga mata, may bago ka na?
i mean salamin. tawagan kaya kita pag sweldo.
marinig lang tawa mo.
o hello, kung pacute o babaeng babae ba.
o weird pa rin, but that right kind of weird.
parang ilong na hindi matangos pero hindi naman pango.
parang, parang lahat na bagay na gusto ko munang pag-isipan ngayong oras. na isa ka na dun, na isa na ang boses mo.

isa pa rin kung kalamig dito sa The Fort kung tatakbo ka
sa gitna ng kalsada na walang damit ngayong oras.
at isa pa kung anong maramramdaman ko kung matutulog ako
dun sa luma kong kama sa Naga.
o kung may yumayakap sa kin ngayong oras
at nilalamig ako sa aircon.
dami. dami pala. pero maganda yung hello mo.
at sana di ka malungkot. ngayong araw.

No comments: